–May online enrolment simula August 16,2021. Para sa mga walang gadgets ang kanilang magulang ay kukuha ng enrolment form sa kanilang Barangay o sa mga Paaralan na malapit sa kanila.
Kailan magpapa-enrol ang mga batang mag-aaral?
-Pumunta sa link na ito: bit.ly/PQUELESF at pumili ng School na inyong papasukan. Sagutan ang lahat ng katanungan sa Learner Enrolment Survey Form.
Paano mag-enrol online?
–Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/PNHSTambo2021-2022Enrollment
Paano makatutulong ang mga guro, mag-aaral at iba pang staff upang mabawasan ang panganib ng COVID 19?
–Sakaling ipatupad na ang pagpasok ng mag-aarla sa paaralan, ipapatupad ang mga sumusunod:a. Pagkuha ng temperatura sa pamamagitan ng non-contact thermometer.b. Pagsuot ng facemask sa lahat ng oras.c. Pag sunod sa wastong paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.d. Sundin ang “cough etiquette”e. Madalas na pag-disinfect sa mga bagay na laging ginagamit. f. Kung may kakaiba namang nararamdaman, magsabi agad sa guro upang maipaalam agad sa clinic.
Kailan magpapa-enrol ang mga batang mag-aaral?
–Ang pagpapa-enrol ng mga mag-aaral ay simula Agosto 16 hanggang Setyembre 13,2021.
Paano makukuha ng card, diploma at iba pang kinakailangang dokumento mga mag-aaral?
-Ang mga paaralan ay nakahandang magbigay ng soft copies ng mga dokumento tulad ng cards, at iba pa. Maibibigay lamang ang “hard copies” pagkatapos ng GCQ.
Paano ko malalaman na ang aking anak ay nakapasa nuong nakaraang taon?
–Ang huling adviser ng inyong anak ang magbibigay sa inyo ng impormasyon kung siya ay nakapasa. Maari nya kayong padalhan ng soft copy ng Report Card ng inyong anak. Bibigyan nya rin kayo ng mga kaalaman kung paano mag-enrol online o saan makakakuha ng Learner Enrolment Survey Form (LESF) na inyong tutugunan at kung saan ito dadalhin.
Ang benepisyo na limang daang piso ng mga mag-aaral sa High School ay ibibigay pa rin ba ngayong taon?
-Opo, patuloy na makakatanggap ang mga mag –aaral ng limang daang piso kada buwan sa loob ng sampung buwan.
Kung mayroon akong nais pang malaman, kanino at saan ako maaaring magtanong?
–Tawagan ang alinman sa mga DepEd Personnel na nasa Information and Action Center Hotlines ng DepEd Paranaque City na nakapaskil sa lahat ng Barangay at mga Paaralan ng Paranaque.
Hindi pa nakukuha ng aking anak ang DBP (Development Bank of the Philippines) ATM card. Saan at kailan po ito makukuha?
-Pwede na po kunin ang DBP ATM cards ng mga batang hindi pa nakakakuha sa DBP Macapagal (Tapat ng DFA) mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 a.m.– 3:00 p.m. Dalhin ang School ID ng bata, authorization letter galling sa estudyante, at valid ID ng magulang o guardian na kukuha.
Anu-ano ang ibat-ibang paraan ng pag-aaral mayroon ang DepEd Paranaque sa ngayon?
-Sa ngayon ang DepEd Paranaque ay gagamit ng Distance Learning through Modular Instruction. Ang mga paaralan ay lubusang naghahanda at nagdaraos ng mga training sa Online Learning. Gagamitin lang ang Blended Learning pag pinayagan na ng pamahalaan ang pagpunta ng mag-aaral sa paaralan. NO FACE-TO-FACE LEARNING.
Paano ang magiging markahan ng mga mag-aaral ngayon?
-Ang DepEd ay magbibigay ng “Guidelines” ng grading system sa mga darating na araw.
Papaano ko malalaman na ang anak ko ay naka-enrol na?
–Ang inyong anak ay naka-enrol na kung makikita na sya sa listahan ng mga mag-aaral kada seksyon. Kokontakin rin siya ng dati niyang adviser nuong nakaraang taon para siguraduhin na sya ay nakaenrol na.
Paano gagabayan ng magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak?
Ang mga magulang ay bibigyan ng pagsasanay upang mas epektibo nilang maturuan at magabayan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.
Pwede bang ipagpaliban ang klase ngayong taon hanggang walang vaccine sa Covid?
–Hindi po ipagpapaliban ang klase ngayong SY 2021-2022, sa katunayan nakatakda na ang pagbubukas ng klase sa Septyembre 13, 2021. Huwag pong mag-alala ang mga magulang dahil hindi papasok sa paaralan ang mga bata hanggang me panganib na dulot ng Covid-19. Ibat-ibang pamamaraan ng pag-aaral ang kanilang gagamitin at hindi ang nakasanayang face-to-face learning.
Sino ang gagabay sa pag-aaral ng bata kung ang parehong magulang ay nagtatrabaho?
-Ang mga magulang ay lubos na hinihikayat na maglaan ng karampatang panahon sa paggabay sa pag-aaral ng kanilang anak laluna sa panahon ng Covid-19. Ang DepEd ay nakahanda ding magbigay ng karagdagang panuntunan.
Kung walang gadgets at internet ang mga bata kailangan bang pumasok sa paaralan?
-Ang mga guro naman ay aantabay sakaling magkasuliranin ang magulang sa kanilang pagsubaybay sa mga aralin.
Kailangan pa ba ng anak ko na kumuha ng “student’s clearance” para makuha ang kanyang mga credentials sa paaralan?
-Hindi kailangan ang “student’s clearance” sa pagkuha ng mga dokumento o credentials”sa paaralan
Papaano kami makakakuha ng mga modules para sa Distance Learning ng aming mga anak?
-Sa pakikipagtulungan ng inyong Barangay sa mga paaralan sila na mismo ang magdadala ng mga modules sa inyong mga bahay. Sa mga mag-aaral na hindi nakatira sa Paranaque ang kanilang magulang ang kukuha ng modules sa paaralan.
Kung ang aking anak ay conditionally promoted dahil sa isa o dalawang back subject/s, matatanggap ba siya sa susunod na antas/level?
-Makipag ugnayan sa adviser at Punongguro ng inyong anak para matugunan ang pangangailangan niya sa remediation ng kanyang back subject/s.
Saan dadalhin ang mga modules na nasagutan na?
-Sa pakikipagtulungan ng inyong Barangay sa mga paaralan sila ang kukuha ng mga modules na nasagutan na at magbibigay ng panibagong modules. May itatakdang araw ng pagbabalik at pagkuha ng panibagong modules ang paaralan. Sa mga mag-aaral na hindi nakatira sa Paranaque, ang magulang ang magbabalik at kukuha ng panibagong modules
Tatanggapin ba ng private or public schools ang aking anak na nag-aral sa ibang bansa?
Ang paaralan ang siyang susuri sa credentials ng mag-aaral para mabatid kung may kakulangang asignatura katulad ng Araling Panlipunan at Filipino.
Anong klase ng modules ang ibibigay sa mga mag-aaral?
-Ang mga modules ay pinagtulungang ihanda ng DepEd Central Office, Regional Office, Division Office, at mga Schools batay sa Most Essential Learning Competencies.
Paano masusubaybayan ng mga guro ang ginagawang pag-aaral ng mga bata sa kani-kanilang bahay?
Susuriin ng mga guro lahat ng ibinalik na modules bawat linggo. Para naman sa mga gumagamit ng online instructions, gagamitin ng guro ang mga log-in data ng mag-aaral.
Ano ang magiging schedule ng mga bata sa pag-aaral sa kani-kanilang bahay?
-Kahit sa bahay mag-aaral ang mga bata ay mayroon pa rin silang schedule na susundin. Halimbawa sa elementarya: Kindergarten, Grades 1, 3 and 6 ay pang umaga, at ang Grades 2, 4 and 5 ay panghapon.
Ang schedule na susundin sa pag-aaral ng inyong mga anak ay ayon sa ibibigay ng kanyang paaralan.
Paano masusubaybayan ng Punongguro at mga Superbisor ang mga gawain ng mga guro?
Ang mga inihandang “learning plans” at modules ng mga guro ay masusing susuriin ng mga Punungguro at mga Supervisor.
Maipatutupad ba ang physical distancing sa paaralan?
-Opo, base sa rekomendasyon ng Kagawaran ng Edukasyon na lilimitahan lamang mula 15 hanggang 20 mag-aaral sa bawat klase para maipatupad ang physical distancing kasama po sa pagsunod sa mga iba pang itinakdang health and safety protocols ng IATF.
Paano pagyayamanin ang pag-aaral ng mga bata?
-Ang lahat ng paaralan sa Paranaque ay gumagamit ng DepEd Commons, Quipper, at DepEd Portals. Ito ay mga online platforms para sa mga may internet at computer sa bahay ng mag-aaral. Para sa mga walang computer at internet sa bahay, mayroong mga educational programs na ilalagay sa telebisyon at radyo.
Anong paghahanda ang ginagawa ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral?
· Paglalagay ng mga foot bath na may alcohol-based sa mga papasukang gate at silid na tatapakan ng mga bata.
· Paghahanda at pagsasaayos ng handwashing facilities na may mga sabon.
· Pagdidisinfect ng mga silid-aralan at mga lugar sa loob ng mga paaralan.
· Paglalagay ng alcohol sa silid-aralan at sa mga lugar na maaaring daanan ng mga bata.
· Pagpapaskil ng mga tagubilin na dapat sundin ang mga Panuntunan ng IATF sa Minimum Health and Safety Standards